NE

2 timber poachers tiklo sa Nueva Ecija

Bernard Galang Feb 13, 2026
92 Views

JAEN, Nueva Ecija–Dalawang lalaki ang inaresto kamakailan sa aktong illegal na pagtotroso sa Purok 5, Brgy. Niyugan, Jaen, Nueva Ecija.

inaresto ang dalawa dahil sa umano’y paglabag sa Section 68 ng Presidential Decree 705 o Forestry Reform Code of the Philippines.

Inaresto sina alyas Lato, 51; at Perez, 58, ng mga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group-Nueva Ecija Provincial Field Unit (PFU) at Department of Environment and Natural Resources–Community Environment and Natural Resources Office (DENR-CENRO) sa Cabanatuan City.

Ayon sa mga awtoridad, nahuli sa akto habang nagtotroso ng walang pahintulot at pagkatapos ibebenta ang mga kahoy.

Nakumpiska sa operasyon ang 68 piraso ng mahogany lumber, limang piraso ng round log mahogany, marked money at 139 piraso ng boodle money na nagkakahalaga ng P139,000.

Dinala ang mga suspek sa tanggapan ng CIDG Nueva Ecija PFU para sa booking at dokumentasyon kasama ang mga nakumpiskang ebidensya.