Roblox nakipagtulungan na sa PH — Hontiveros
Sep 17, 2026
After BARMM elections, magkaisa na tayo–Bam
Sep 17, 2026
MO ng alleged PDF bukelya
Sep 17, 2026
Calendar
Metro
Drug den ni-raid; 1 govt employee kasama sa inaresto
Edd Reyes
Jun 27, 2025
440
Views
NI-raid ng mga pulis ang hinihinalang drug den at naaresto ang lima katao, kabilang ang isang empleyado ng pamahalaan, noong Biyernes sa Las Piñas City.
Sinalakay ng mga tauhan ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Randy Arceo ang drug den sa Brgy. Pulang Lupa Uno matapos ang buy-bust dakong alas-4:30 ng umaga at nadagit si alyas Busyong, 37, na malakas ang loob na magpakilalang kawani ng gobyerno na siya umanong nagpapatakbo ng drug den.
Kabilang sa inabutan at inaresto sina alyas Benjamin, 61, Bernardino, 63, Vivencio, 44, at Michelle, 30, na nahulihan din ng shabu.
Umabot sa 40 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P272,000 ang nasamsam mula sa mga suspek.
Sumalpok sa police station, sugatan ‘di na kinasuhan
Sep 16, 2026

