Pic Photo sources: North Cotabato Police Provincial Office/FB/CTTO

Brutal na pagpaslang sa ex-Army colonel kinondena

111 Views

Mayor

Pic1

Pic2

Pic3
Photo sources: North Cotabato Police Provincial Office/FB/CTTO

KINONDENA ni Senior Citizens Party-list Representative Rodolfo “Ompong” Ordanes ang brutal na pagpatay sa isang retiradong opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Matalam, Cotabato nitong Biyernes.

Ayon kay Ordanes, ang biktimang si retired Col. Leonardo Songcaya ang pangulo ng Cotabato Provincial Federation of Senior Citizens Associations of the Philippines.

Pinamumunuan din ni Songcaya ang Kidama Communal Irrigator’s Association, na nagsusulong ng interes ng mga magsasaka sa Region 12.

Bagamat na- stroke na ang biktima ay aktibo at masigasig pa.rin siya sa pangangalaga sa mga karapatan, kapakanan at pribilehiyo ng senior citizens sa SOCCSKSARGEN.

“Ang pag-atakeng ito ay hindi lamang karahasan laban sa isang indibidwal, kundi isang seryosong paghamak sa dignidad at seguridad ng mga nakakatanda,” pahayag ni Ordanes.

Matatandaan na binaril ang biktima ng mga suspect habang minamaneho nito ang kanyang pick-up truck sa hangganan ng Barangay Poblacion at Matalam.

Kasabay nito, hinikayat ng mambabatas ang mga awtoridad na magsagawa ng masusing pag-iimbestiga sa insidente para mabigyan ng hustisya si Songcayo.

“Walang anumang dahilan ang maaaring magbigay katwiran sa insidenteng ito, lalo na sa isang matandang lingkod-bayan na patuloy pang nagsisilbi sa kabila ng kahinaan ng katawan,” dagdag pa ni Ordanes.

Kaugnay nito, nag-alok na ng P500,000 pabuya si para sa anumang impormasyon na makakatulong para makilala at mahuli ang mga salarin.