1 suspek sa pagnanakaw sa vlogger tiklo

Bernard Galang Mar 2, 2026
106 Views

BOCAUE, Bulacan–Naaresto ng mga pulis ang isa sa apat na armadong lalaki na sangkot sa pagnanakaw ng mga valuables na aabot sa P1.6 milyon sa bahay ng vlogger sa subdivision sa bayang ito kamakailan.

Sa ulat kay Police Regional Office (PRO)-3 director Brig. Gen. Jess Mendez, nahuli ang isang suspek sa pagnanakaw sa bahay ng vlogger na si Madam Inuts, 40, sa Villa Zaragoza, Brgy Turo, Bocaue, Bulacan noong Pebrero 25.

Batay sa imbestigasyon, apat na armadong lalaki na nakasuot ng itim na jacket at mask at sapilitang pumasok sa bahay ng biktima at tinangay ang mga alahas at cellphone na nagkakahalaga ng P1.6 milyon.

Nag-backtracking ang mga pulis at natukoy ang getaway vehicle na ginamit ng mga suspek.

Positibong kinilala ng biktima ang dalawang suspect na sina alyas Panta at Porca, ayon sa report.

Natunton ng mga awtoridad ang lokasyon ng mga ninakaw na cellphone sa Bocaue, Sta. Maria, at San Jose del Monte, Bulacan.

Nagkaroon ng malaking development ang kaso noong Pebrero 28 nang ma-monitor ng pulisya ang isang FB post ni Jose Maria Corpuz na nag-aalok ng pabuya sa sinumang makapagsasauli ng nawawalang plaka ng sasakyan na ginamit sa getaway car sa paganankaw sa bahay ng vlogger.

Pinamunuan ni Capt. Ferdie Santos ang pagtugis sa suspek.

Pinuri ni Brig. Gen. Mendez ang operating team sa pagkakaaresto sa isa sa mga suspek.