Calendar
P1.003-T buwis, taripa na target collection ng BOC ‘achievable’
MAPAGPALANG araw sa lahat ng ating mambabasa.
Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.
Binabati natin ang ating mga suki sa Japan na sina Ma. Theresa Yasuki, Patricia Coronel, Roana San Jose, Yoshiko Katsumata, Tata Yap Yamazaki, Mama Aki , La Dy Pinky, Endo Yumi, Lorna Pangan Tadokoro, Winger dela Cruz, Hiroki Hayashi, at Hiroshi Katsumata.
Ganun din kay Joanne de Guzman at iba pang OFW natin sa Oman.
(Para sa inyong komento at pagbati, mag-text sa # +63 9178624484/email/philipreyes@yahoo.com.)
***
Sa kabila ng kaguluhang nagaganap sa Middle East ay tuloy ang trabaho ng mga opisyal at tauhan ng Bureau of Customs (BOC) na pinamumunuan ni Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno.
Kaysa bumaba ang kanilang revenue collection ay lalong tumaas ito noong nakaraang buwan ng Marso, kung saan nakakolekta ang ahensiya ng P84.426 bilyon na buwis, taripa at iba pang bayarin.
Dahil dito ay umabot na sa P238.968 bilyon ang tax collection ng BOC, sa unang tatlong buwan ng taon.
Noong Enero ay may P80.744 bilyon koleksyon ang BOC, pero bumaba ito sa P70.798 bilyon noong Pebrero.
“Understandable naman ito dahil ang Pebrero ay mayroon lang 28 calendar days samantalang ang Enero at Marso ay may tig-31 calendar days.”
Ang maganda ay nalampasan ng ahensya ang monthly collection targets sa magkakasunod na tatlong buwan.
Sensyales ito na on-track ang collection performance ng BOC.
Ang BOC ay pumapangalawa sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na pinakamalaking tax generating agency ng gobyerno nasyonal.
Sa isang pahayag, sinabi ni Commissioner Nepomuceno na “all-out ang suporta ng BOC sa ginagawa ni Pangulong Marcos na pagandahin ang kalagayan ng buhay ng mga Pinoy.”
Aniya, magagawa lamang ito kung may sapat na pondo ang gobyerno para tustusan ang malalaking proyekto at programa ng administrasyon.
Ayon pa kay Nepomuceno: “Every peso we collect is given directly to programs that improve the lives of our fellow citizens.”
“This is the true measure of our service – a government that is compassionate accountable and delivers that benefits to the people.”
Pinasalamatan ni Commissioner Nepomuceno ang mga opisyal at kawani ng BOC, “for their hard work, efficiency and dedication.”
Pinuri niya ang lahat ng collection districts and ports of entry sa buong bansa “for their role in ensuring the smooth flow of trade and achieving BOC’s monthly targets.”
Sa taong ito, 2026, ay naatasan ang BOC ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) na mangolekta ng P1.003 trilyong buwis at taripa.
Mukhang achievable naman ito basta walang lang malalaking challenges na haharapin ang bansa sa mga susunod na buwan.
Huwag natin kalimutan na ang makokolektang buwis, taripa at ibang bayarin ay nakasalalay sa dami ng importasyon.
Kung kaunti ang importasyon, siyempre kaunti rin ang papatawang buwis.
***
Pagkatapos ng ilang araw na bakasyon ay balik trabaho na ang mga empleyado sa gobyerno at pribadong sektor.
Balik na naman ang mga nakabubuwisit na traffic jams sa maraming parte ng Metro Manila.
Wala tayong magagawa diyan dahil sobra na ang dami ng tao at sasakyan sa National Capital Regioon (NCR), ang commercial at educational center ng bansa.
Kaya tama lang ang ginagawa ng gobyerno na palaguin ang mga negosyo sa mga kanayunan para bumalik sa probinsiya ang mga tao.
Hindi natin masisisi ang mga tao kung nagsisiksikan dito sa Metro Manila dahil sa tingin nila mas marami ang oportunidad sa mga lungsod.
Isa pa. Mas malaki ang suweldo ng mga empleyado sa NCR kumpara sa mga probinsiya.
Ito ang dahilan kung bakit dapat pare-pareho ang minimum wage sa buong bansa para hindi magdagsaan ang mga tao sa Metro Manila.
Tama ba kami, Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.?

