Vic Reyes

Nepomuceno pinasalamatan dahil sa mga reporma sa aduana

Vic Reyes Apr 26, 2026
60 Views

ISANG mapagpalang araw sa lahat ng ating suki, lalo na sa ibang bansa.

Binabati natin ang mga kababayan natin sa Japan na sina

Ma. Theresa Yasuki, Patricia Coronel, Winger dela Cruz, La Dy Pinky, Endo Yumi, Tata Yap Yamazaki, Yoshiko Katsumata, Hiroki Hayashi, Roana San Jose at Hiroshi Katsumata.

Binabati rin natin sina Joann de Guzman at iba pang OFW natin sa Oman.

Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.

***

Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., pinamadali ng Bureau of Customs (BOC) ang pagre-release ng mga abandonadong balikbayan boxes (BBs).

Ang mga BBs ay nasa kustodya ng Manila International Container Port (MICP), isa sa major ports of entry ng bansa.

Pinangasiwaan ni Director Venus E. Apas, ng Balikbayan and Overseas Filipino Worker Action Center, ang pamamahagi ng BBs sa “rightful recipients.”

Ang mga ito ay inabandona ng isang freight forwarder na responsible sa non-delivery ng mga nasabing balikbayan boxes sa mga kamag-anak ng OFWs sa Pilipinas.

Tutulungan ng BOC, na pinamamahalaan ni Commissioner Ariel F. Nepomuceno, ang mga OFWs sa paghabol sa freight forwarder.

Ang gusto ng BOC ay mapanagot ang nasabing freight forwarder bilang babala sa lahat na huwag pagsamantalahan ang mga OFWs at mga kaanak sa bansa.

Batid ng BOC ang sakripisyo ng ating mga manggagawa sa ibang bansa para lang may ipadalang pera at regalo sa mga kaanak sa Pilipinas.

Nito ngang nakaraang Pasko ay siniguro din ng BOC na maipadala ng libre sa mga kaanak ng OFWs ang mga abandonadong balikbayan boxes.

Kaya tama ang BOC na dapat managot sa batas ang mga freight forwarder na hindi tumupad sa kanilang tungkulin na i-deliver sa recipients ang mga balikbayan boxes.

***

Umani ng papuri ang desisyon ng Department of Finance (DOF) at Bureau of Customs (BOC) na gawing tatlong taon ang validity ng “importer accreditation.”

Dati, taun-taon ay nagre-renew ng accreditation ang mga negosyante para makapag-import.

Ayon sa mga importador, ang yearly renewal ng kanilang accreditation ay hindi lang dagdag gastos kundi dagdag trabaho pa.

Biro mo nga naman, kapag nag-renew ka ng accreditation ay mga panibagong dokumento na naman ang kailangang i-submit sa BOC.

Ang unang pumuri sa DOF at BOC ay ang European Chamber of Commerce of the Philippines (ECCP).

Sumunod na ang Chinese Filipino Business Club, Inc. (CFBCI), Philippine Iron and Steel Institute (PISI) at the Federation of Philippine Industries (FPI).

Ayon sa tatlong higanteng business groups, “the measure improves efficiency while enhancing the country’s competitiveness in regional and international trade.”

Pinasalamatan nila si Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno dahil sa mga reporma at pagbabago na ipinapatupad sa aduana.

Ang mga repormang: “advance ease of doing business, support legitimate enterprises, and affirm the indispensable role of the private sector in sustaining economic growth,” ayon sa kanila.

Ang mga repormang ito ay isinasagawa ng BOC sa ilalim ng kanilang “Intregrity, Accountability, and Modernization (IAM) Program.”

***

Sa Biyernes ay Mayo 1 na.

Sa araw na ito, ang Pilipinas at buong mundo ay ipinagdiriwang ang “Labor Day” o Araw ng Paggawa “to honor the contributions of workers” sa lipunan.

Alam naman natin na ang mga manggagawa “ang makina ng progreso at development” sa mundo.

Napakalaking papel ang ginagampanan ng mga manggagawa, para umunlad ang isang bansa.

Sa totoo lang, ang gobyerno, management at labor ay partners in nation-building.

Kaya, hindi sila dapat nagbabangayan kundi nagtutulungan para sa bayan at mamamayan.

(Para sa inyong komento at pagbati, mag-text sa #09178624484)