Vic Reyes

BOC patuloy ang isinasagawang pagbabago

Vic Reyes May 17, 2026
30 Views

MAGANDANG araw sa lahat ng ating mga suki, lalo na sa mga kababayan natin sa Japan at iba pang panig ng daigdig.

Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.

Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki, Roana San Jose, Endo Yumi, Patricia, Coronel, Mama Aki ng Ihawan, Glenn Raganas, La Dy Pinky, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Josie Gelo, Hiroki Hayashi, at Hiroshi Katsumata.

Binabati rin natin si Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman; Angelo Diaz, Dolores Monfero, Delia Sunga ng Saudi Arabia.

May divine blessings shower upon each and every one of you.

***

Dumarami na ang nagsasabi na panahon na para buwagin ang Senado dahil mukhang hindi na ito nakatutulong sa pag-unlad ng bansa.

Sa halip daw kasi na gumawa ng batas, sakit na ng ulo ang dulot ng ilang senador sa kagustuhang bigyang proteksyon ang kanilang sariling interes at mga kaalyado.

Makatitipid pa daw tayo ng malaki kung bubuwagin na natin ang Mataas ng Kapulungan ng Kongreso.

Magagaling naman daw ang ating mga kongresista.

Ang mga senador ay walang specific constituents na pinagsisilbihan, hindi kagaya ng mga miyembro ng House of Representatives.

Kaya kailangang magtrabaho ng maayos ang mga kongresista dahil alam nila na nakabantay ang kani-kanilang mga distrito.

At nandiyan pa ang mga tinatawag na sektoral o party-list representatives.

Sa tingin ng marami, kasama na ang mga ordinaryong mamamayan, walang mawawala sa atin kung mabubuwag ang Senado.

Sigurado namang pulido ang mga batas na gagawin ng mga kongresista dahil nandiyan naman ang magagaling na mambabatas.

Base sa nakikita natin sa mga House hearing at investigation ay hindi mo matatawaran ang kakayahan ng mga miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ang problema, hindi naman basta mabubuwag ang Senado. Kailangan pang baguhin ang ating Saligang Batas para mangyari ito.

***

Kamakailan ay pinarangalan ni Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno ang mga nangungunang collection districts kung ang pag-uusapanay revenue collection.

Sa 17 collection districts sa buong bansa, 13 “surpassed their collection goals,” ayon sa isang pahayag ng Bureau of Customs (BOC).

Kagaya ng inaasahan, ang nangungunang collection districts ay ang Manila International Container Port (MICP), Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at Port of Batangas (POB).

Ang iba pang collection districts “that surpassed their revenue targets” ay ang Port of Legaspi, Port of Iloilo, Port of Cebu, Port of Tacloban, Port of Surigao, Port of Cagayan de Oro, Port of Davao, Port of Subic, Port of Clark, at Port of Aparri.

Ang mga collection districts na ito ay nalampasan ang kani-kanilang tax targets sa unang apat na buwan ng taon(Enero-Abril).

“The accomplishments we are seeing today are the result of hard work, discipline and sacrifices of our men and women in all 17 ports across the country,” said Commissioner Nepomuceno.

Pinasalamatan ni Nepomuceno ang lahat ng mga personnel ng ahensya pati na ang mga nagtatrabaho sa mga ports of entry na hindi nalampasan ang tax targets.

Alam naman ng lahat na nakadepende sa volume at value ng dumarating na importasyon ang makokolektang buwis at taripa.

Kung kaunti ang importasyon ay kaunti rin ang makokolektang buwis.

Ang ibig sabihin nito ay wala sa kamay ng mga taga-BOC ang laki ng revenue collection.

***

Patuloy ang mga isinasagawang pagbabago ng Bureau of Customs (BOC) sa dating “snake-infested waterfront” sa Manila.

Ito ay alinsunod sa kagustuhan ni Pangulong Ferdinand Marcos R, Marcos Jr. na lalong pagandahin ng BOC ang pagbibigay ng serbisyo sa aduana.

Isa sa mga natulungan ng gobyerno, sa pamamagitan ng BOC, ay ang hanay ng mga customs brokers.

Alam ng BOC na malaki ang papel na ginagampanan ng mga customs brokers sa aduana para lumaki ang tax at tariff koleksyon ng bansa.

Kaya naman pinalawig ng ahensya sa tatlong taon ang validity ng Customs Broker Registration sa ilalim ng Client Profile Registration System (CPRS).

Ang pagpapalawig sa validity ng customs registration ay nakapaloob sa isang memorandum-circular na inilabas noong Mayo 13.

“Welcome news” ito sa mga customs brokers, bawas gastos ito sa kanila.

(Para sa inyong komento at pagbati, mag-text sa #0917-8624484/email:philipreyes08@yahoo.com.)