Vic Reyes

Illegal drug traders kanya-kanyang gimik

Vic Reyes May 24, 2026
63 Views

MAGANDANG araw sa lahat ng ating mambabasa lalo na sa mga kababayan natin sa Japan at Gitnang Silangan.

Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.

Binabati rin natin sina Ma. Theresa Yasuki, Patricia Coronel, Roana San Jose, Yoshiko Katsumata, Tata Yap Yamazaki, Mama Aki, La Dy Pinky, Endo Yumi, Lorna Pangan Tadokoro, Winger dela Cruz, Hiroki Hayashi at Hiroshi Katsumata.

Ganun din kay Joanne de Guzman at iba pang OFW natin sa Oman.

God bless!

***

Dapat talasan pa ng Bureau of Customs (BOC) ang inspeksyon sa mga parating na foreign shipments sa lahat ng ports of entry sa Pilipinas.

Alam naman natin na ang bulto ng illegal drugs na ginagamit ng mga Pinoy ay nanggagaling sa labas ng bansa.

Hindi naman kaila sa atin na ang mga lokal na shabu laboratories na pinapatakbo ng mga dayuhan, na karamihan ay mga Chinese, ay nabuwag lahat.

Kaya nga kung anu-anong gimik na ang ginagawa ng mga taong sangkot sa illegal drug trade para lang mailusot ang mga kontrabando.

Dahil alam nilang mahirap lumusot sa mga taga-BOC ang mga kontrabando kaya ina-abandona na lang nila ang mga ito.

Ganyan nga ang nangyari sa mga shabu shipment na ipinarating sa BOC-NinoyAquino International Airport (NAIA) sa Pasay City.

Noong Mayo 19 ay kinumpiska ng mga operatiba ng BOC-NAIA ang 1,200 gramong shabu na nakita sa isang warehouse.

Nagkakahalaga ng mahigit P8.3 milyon, ang shipment ay idineklarang naglalaman ng “bearings” pero ang laman pala ay shabu.

Dumating sa NAIA noong nakaraang Marso ang shipment, na galing Uganda, ay naka-consign sa isang recipient sa Cavite.

Ang mga droga ay nakalagay sa dalawang parcels.

Pinapurihan ni BOC Commissioner Ariel F. Nepomuceno ang mga operatibang kasama sa operasyon.

Ang mga droga ay inilipat na sa kustodya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) “for case build-up and appropriate legal proceedings.”

Sinabi naman ni BOC-NAIA District Collector Yasmin O. Mapa na patuloy nilang paiigtingin ang border protection efforts.

Ito ay para mapigilan ang pagpasok ng mga kontrabando sa bansa, kasama na ang mga illegal na droga.

Matatandaan na kabilin-bilinan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Commissioner Nepomuceno na bantayang mabuti ang ating mga border.

***

Muling inulit ni Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno ang determinasyon na ituloy ang modernization program ng ahensiya.

Mahalaga ang modernization program para sa hangaring maging world-class ang customs service sa Pilipinas.

Ang modernization program ng BOC ay inilahad ni Commissioner Nepomuceno sa isang “roundtable discussion” na kasama ang American Chamber (AmCham) of Commerce of the Philippines.

Dumalo rin sa nasabing “roundtable discussion” ang iba pang matataas na opisyal ng BOC.

“We are committed to modernizing the bureau through technology-driven reforms that will strengthen transparency, improve operational efficiency, and make customs processes more responsive to the needs of stakeholders and the business community,” sabi ni Nepomuceno.

“The dialogue reinforced BOC’s commitment to advancing its Integrity, Accountability, and Modernization (IAM) Program.” dagdag pain Nepomuceno.

***

(Para sa inyong komento at pagbati, mag -text Sa # 09178624484/email:philipreyes08@yahoo.com)