Roblox nakipagtulungan na sa PH — Hontiveros
Sep 17, 2026
After BARMM elections, magkaisa na tayo–Bam
Sep 17, 2026
MO ng alleged PDF bukelya
Sep 17, 2026
Calendar
Metro
Lalaking nag viral sa social media habang nananakit ng pasahero arestado na
Edd Reyes
Jun 25, 2026
231
Views
NAARESTO na ng mga pulis ang nakahubad na lalaking nag-viral sa social media nang maghasik ng sindak at nanakit ng mga pasahero sa loob ng pampasaherong jeep sa Muntinlupa City.
Dakong alas-2:00 ng madaling araw nang madakip ng mga tauhan ng Muntinlupa police ang suspek na si alyas “Vincent” sa Carzo Compound, Brgy. Alabang, sa naturang lungsod.
Nag-viral sa social media ang pagsakay ng lalaki sa isang pampasaherong jeep at doon sinaktan ang hindi na nakilalang pasahero sa gitna ng pagsigaw ng biktima at tangka pang panlalaban ng isang matandang lalaking pasahero.
Nabigyan naman ng pangunahing lunas ang biktima na nasa mabuti ng kondisyon habang sasampahan ng kasong physical injurie ang suspek sa Muntinlupa City Prosecutor’s Office.
Sumalpok sa police station, sugatan ‘di na kinasuhan
Sep 16, 2026

