Siga Ang suspek na nabaril ang sarili habang nagwawala umano sa Tondo, Manila. JONJON C. REYES

Kelot nabaril ang sarili habang nananakot sa Tondo

Jon-jon Reyes Aug 14, 2026
32 Views

Siga1Siga2KASALUKUYANG inoobserbahan ang isang 39-anyos na lalaki na naputukan ang kanyang sarili habang umano’y nagwawala at pinananakot ang dalang baril sa kahabaan ng Almario Street Dagupan, Barangay 50, Tondo, Manila, madaling araw ng Huwebes.

Nakilala ang lalaki na si alyas Henry, walang trabaho, at nakatira sa may Malong Street, Barangay 50.

Base sa imbesitgasyon, nakatanggap ang MPD Tayuman PCP ng tawag mula sa 911 hinggil sa umano’y walang habas na pagpapaputok ng baril ng suspek bandang 2:05 ng madaling araw.

Agad rumesponde sa insidente sina PSSg Aaron Serrano at PCpl Melzar Tamondong ng Tayuman PCP.

Nagreklamo laban sa suspek ang isang 61-taong gulang na ginang ng Almario Street, Dagupan Tondo, Manila.

Ang insidente ay nasaksihan ni alyas,Gary, 44, binata, single, Joyride rider, ng Almario Street, Dagupan Tondo, at ng mga umarestong pulis.

Ayon sa pahayag ng nagreklamo at ng mga saksi, nagkaroon ng kaguluhan sa nasabing lugar at naayos ito ni Kagawad Erwin Macasieb.

Sinabihan ng nagreklamo ang suspek na umuwi na, ngunit hindi siya pinansin nito. Dahil dito, ginising ng nagreklamo ang binatang saksi upang pakiusapang ihatid pauwi ang suspek.

Dito na umano nagalit ang suspek, nagbanta na papatayin ang nagreklamo, at nagpakita ng magulong asal.

Sinubukan ng binatang saksi na pakalmahin ang sitwasyon, ngunit bumunot umano ang suspek ng baril at walang habas na pinaputok ito.

Sinubukan ng kapatid na babae ng saksi na si alyas Loisa na agawin ang baril mula sa suspek, ngunit pumutok ito at tinamaan ang huli.

Agad naaresto ang suspek at dinala sa himpilan ng pulisya.

Nang mapansin ng mga otoridad na may dugo ang kanang binti ng suspek ay dinala siya sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center para sa medikal na atensyon.

Kasalukuyang inoobersbahan ang suspek ayon, kay Dr. Mike David.

Sasampahan ang suspek sa Manila Prosecutor’s Office ng mga kasong paglabag sa Article 282 ng Revised Penal Code o grave threat, paglabag sa Article 155 o alarm and scandal at paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.