Calendar
BOC mabilis na kumilos para mabilis na maideliver suplay ng petrolyo sa PH
MAGANDANG araw sa lahat ng ating mambabasa, lalo na sa mga kababayan natin diyan sa bansang Japan, Oman, Saudi Arabia, at ibang panig ng daigdig.
Binabati natin sina Theresa Yasuki, Mama Aki ng Ihawan, La Dy Pinky, Patricia Coronel, Roana San Jose, Endo Yumi,Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Josie Gelo, Hiroki Hayashi at Hiroshi Katsumata.
Binabati rin natin si Joann de Guzman at mga kasama niya diyan sa Oman; Anne Santos, Dolores Monfero ng Saudi Arabia.
Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan,
God bless sa inyong lahat!
***
Mabilis ang pagkilos ng Bureau of Customs (BOC) para agad na maproseso at maideliver ang mga dumarating na supply ng produktong petrolyo sa bansa.
Ito ay kahit na mayroong kaguluhan sa Gitnang Silangan na kung saan nanggagaling ang bulto ng fuel imports natin.
Sa kanyang Memorandum No. 36-2026 noong Marso 23, 2026, ay inorderan ni Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno ang kanyang mga field officers na bilisan ang pag-process ng mga fuel imports natin.
Ang hangad ni Commissioner Nepomuceno ay bigyan ng priority ang mabilisang paglabas sa ports of entry ng mga dumarating na oil imports.
Ang order ni Commissioner Nepomuceno ay kaagad na ipinatupad sa Port of San Fernando, La Union at Port of Limay sa Bataan.
Sa Port of San Fernando ay kaagad ding nailabas ang 9,157,667 litro ng diesel shipment na consigned sa Philippine National Oil Company (PNOC).
Ang diesel ay dumating sa SEAOIL Bangar Terminal sa La Union, ang pinakamalaking oil import terminal sa Region 1.
Sa Port of Limay naman ay facilitated na din ang processing ng crude oil shipment na sakay ng MT Sara Sky (Sierra Leone-flagged vessel), na galing ng Russia.
Ang 100,402,776 US barrels ng crude oil ay consigned sa Petron Corporation, at dinala sa Petron Bataan Refinery.
Sa isang statement, sinabi ni Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno na “ensuring the timely release of petroleum products is critical to keep the country moving.”
Nauna rito ay sinabi ni Pangulong Marcos na ang bansa ay may supat na supply ng petroleum products hanggang katapusan ng Hunyo 2026.
***
Katulad ng graft and corruption sa iba’t ibang sangay ng gobyero, nandiyan pa rin ang agricultural smuggling na nagpapahirap sa mga magsasaka at mangingisda.
Hindi lang ang nawawalan ng kita ng gobyerno na dapat sana’y malaki ang maitutulong sa pag-unlad ng bansa at taumbayan ang nawawala.
Ang malaking problema sa iligal na pagpasok ng mga produkto, kagaya ng pagkain, ay ang maaaring makuhang sakit sa mga ito.
Dahil hindi dumaan sa tamang proseso, nakakatakot kainin dahil baka kung anong sakit pa ang makuha dito.
Mabuti na lang at nandiyan ang mga otoridad, sa pangunguna ng mga taga-Bureau of Customs (BOC), na nagbabantay sa mga ports of entry sa buong Pilipinas.
Hindi papayagan nina Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno na makapasok sa bansa ang mga produktong hindi dadaan sa tamang proseso.
Kaya lang, maraming isla sa bansa ang puwedeng pagdaungan ng mga barkong may dala-dalang smuggled agricultural products.
Malaking problema ito. Ang tanging magagawa ng mga otoridad ay bantayan ang mga bodegang pagdadalhan ng mga puslit na produkto.
Sa mga ports of entry naman, laging alerto ang mga otoridad. Mabuti nga at lalo nilang pinaigting ang kanilang intelligence gathering efforts.
Dahil sa natanggap na intelligence report ay nasakote ng mga taga-Port of Subic sa Zambales ang smuggled agricultural products na nagkakahalaga ng mahigit na P47.436 milyon.
Ang mga puslit na produkto na nakalagay sa 3,192 cartons ay kinabibilangan ng frozen beef, pork, chicken at iba pang pastry and seafood items.
Ang mga ito ay idineklarang “shabu-shabu balls,” ayon sa BOC.
Noong Marso 27 ay ipinakita sa media ang mga nakumpiskang produkto.
Ang public presentation ng smuggled goods ay pinanguhan ni Commissioner Nepomuceno, Undersecretary Carlos Carag ng Department of Agriculture (DA) at Port of Subic District Collector Noel Estanislao
Patuloy ang BOC sa ginagagawa nitong pagbabantay para pigilan ang pagpasok sa bansa ng mga unsafe at non-compliant goods.
Ito ay bilang pagsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Commissioner Nepomuceno na higit pang paigtingin ang border security efforts.
(Para sa inyong komento at pagbati, mag-text sa +63 9178624484/email:philipreyes08@yahoo.com.)

