Calendar
BOC: Mga paliparan di hahayaang maging daan ng illegal na droga
MALIGAYANG araw sa ating mga taga-subaybay, lalo na sa mga kababayan natin sa Japan.
Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.
Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki, Mama, Glenn Raganas, Patricia Coronel, La Dy Pinky, Endo Yumi, Roana San Jose, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Josie Gelo, Hiroki Hayashi, at Hiroshi Katsumata.
Ganun din kina Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman; Nida Reyes, Dolores Monfero at Delia Sunga ng Saudi Arabia.
God bless sa inyong lahat!
***
Minsan ay sinabi ni Commissioner Ariel F. Nepomuceno ng Bureau of Customs (BOC) na nagsasayang lang ng pera at oras ang mga ismagler.
Kasi nga naman, masasakote lang ang kanilang kontrabando ng mga otoridad sa pangunguna ng BOC.
Nandiyan ang Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at local government units (LGUs).
Nandiyan din ang iba’t ibang partner-agencias na tumutulong sa BOC para masawata ang pagpasok sa bansa ng mga puslit naprodukto.
Malaki rin ang naitutulong ng publiko sa pagbibigay ng mga impormasyon para magtagumpay ang anti-smuggling campaign ng gobyerno.
Parang sa giyera, “fully loaded ang mga taga-BOC” kung ang pag-uusapan ay pagsugpo ng ismagling.
Nandiyan ang mga state-of-the-art na kagamitan, kabilang ang X-ray machines, sniffing dogs at specially-trained personnel sa ibat-ibang ports of entry sa bansa.
Noon ngang nakaraang Lunes, Sept. 14, ay nagkaroon ng inspeksyon sa isang warehouse na naglalaman ng shabu at high-grade marijuana o kush.
Kasama ang mga taga-PDEA, si Commissioner Nepomuceno ang namuno sa inspeksyon ng warehouse sa Pasay City.
Ang mga droga, na nagkakahalaga ng P199.7 milyon, ay nakalagay sa mga kahong idineklarang naglalaman ng personal effects.
“The shipment, consisting of 15 boxes coming from Canada, was flagged by the X-ray Inspection Project (XIP) after suspicious images were detected during X-ray screening,” ayon sa BOC.
Dito na isinagawa ng mga taga-BOC-Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang 100 percent physical examination sa mga kahon.
Nakita ng mga otoridad ang 28 cans na naglalaman ng 28,324 gramong pinaghihinalang shabu na nagkakahalaga ng P192.603 milyon.
Nakakita din sila ng isa pang kahon na naglalaman ng 4,746 gramo ng high-grade marijuana o “kush.”
Ang marijuana ay nagkakahalagang P7.119 milyon, ayon sa BOC.
May nakita ding 20 towels at 20 duvets na pinagsususpetsahang naglalaman ng liquid shabu.
Ang mga kinuhang samples na ipinadala sa PDEA para salaboratory analysis “yielded positive results for shabu and cannabis.”
Ang operasyon ay isinagawa ng BOC sa tulong ng PDEA, CIIS, CAIDTF, ESS, XIP at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group.
Ang pagkakasakote ng shabu at marijuana “demonstrates the critical role of intelligence-driven profiling, X-ray screening and close inter-agency coordination,” ayon kay Commissioner Nepomuceno.
Sinabi pa ni Nepomuceno na hindi nila hahayaang gawing daan “ang ating mga paliparan para sa pagpasok ng illegal drugs.”
Ang BOC-NAIA ay pinamumunuan ni District Collector Yasmin O. Mapa.
***
Marami na ang mga grupong nakakapansin sa magandang performance ng BOC na pinamumunuan ni Commissioner Nepomuceno.
Hindi lang pala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang nakakapansin sa gumagandang imahe ng ahensiya.
Pati ibang business groups sa bansa ay hanga sa mga reporma at pagbabago sa dating “snake-infested waterfront.”
Kamakailan ay ginawaran si Nepomuceno at BOC ng “Champions of the Industry Award for Public Service and Business Partnership Excellence.”
Ibinigay kay Nepomuceno at BOC ang award noong CAMANAVA Business Conference 2026.
“The conference was organized by by the Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) NCR North Sector.
Ito ay sa koordinasyon sa PCCI chapters sa mga syudad ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela, at Malabon Chamber of Commerce and Industry.
Si Commissioner Nepomuceno ay isa sa “Favorite Sons” ng Malabon City.
Sa pangalan ni Commissioner Nepomuceno ay tinanggap ni BOC Deputy Commissioner Emmanuel D. Licup ang award.
Si Depcom Licup ay retiradong Major General ng Philippine National Police.
