Calendar
BOC modernization program tuloy tuloy
MALIGAYANG araw sa lahat ng ating tagasubaybay, lalo na sa mga kabayan natin dyan sa Japan.
Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.
Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki, Patricia Coronel,La Dy Pinky, Mama Aki ng Ihawan, Glenn Raganas, Endo Yumi, , Roana San Jose, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Josie Gelo, Hiroki Hayashi, at Hiroshi Katsumata.
Ganun din kina Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman; Nida Reyes, Dolores Monfero at Delia Sunga ng Saudi Arabia.
God bless sa inyong lahat!
****
Isang joint anti-smuggling operation, na pinangunahan ng Bureau of Customs (BOC), ang nakasakote ng iligal na sigarilyo (illicit cigarettes) na nagkakahalaga ng mahigit P1.7 bilyon.
Ang mga kontrabando ay nakalagay sa 23 containers, ayon sa isang press statement ng BOC na pinamumunuan ni Commissioner Ariel F. Nepomuceno.
Ang 16 containers ay natagpuan sa isang private shipping facility sa Tondo, Manila.
Apat na containers ang nakita sa isang vessel na may pangalang ASC BIG BOY, at apat pang containers “had already been dispatched to various warehouses.”
Tatlo sa apat na na-dispatched na containers ay natunton din, pero ang isa ay hindi pa natatagpuan.
Kasama sa anti-smuggling operations ang mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI), Bureau of Internal Revenue (BIR), at Philippine Coast Guard (PCG).
Ang mga sigarilyo ay misdeclared na consumer goods at galing ng Pier 7, isang private wharf sa Cebu.
Mula sa Cebu ay dinala ang mga kontrabando sa isa pang wharf sa Tondo, Manila.
Ang mga sigarilyo ay walang required na tax stamps, ayon sa mga taga-BIR.
Kasama sa joint anti-smuggling operations sina BOC Depcom Emmanuel Luis D. Licup, NBI Director Melvin Matibag, DOF Underscretary Rolando T. Ligon, Rear Adm. Christopher Meniado ng PCG at representatives mula sa National Tobacco Administration.
Sinamahan sila nina BOC Depcom Nolasco Bathan, CIIS Director Thomas S. Narcise, ESS Director Noel Estanislaoat MICP District Collector Geoffrey de Vera.
Sina BOC Deputy Commissioners Licup at Bathan ay mga retiradong police general.
Pinasalamatan naman ni Commissioner Nepomuceno ang mga taga- NBI dahil sa kanilang “timely intelligence information led to the anti-smuggling operations.”
Ito ay nagpapakita lamang na maganda ang working relationship ng mga partner agencies.
***
Tuloy-tuloy ang ginagawang modernization program ng Bureau of Customs (BOC).
Ang programa ay naglalayong mapaganda at mapabilis ang customs processes para sa kapakanan ng lahat.
Ito ay ginagagawa ng BOC sa pamamagitan ng implementasyon ng Customs Processing Systen ((CPS) at National Single Windows (NSW).
Sinabi ni Commissioner Nepomuceno na “modernization is not only merely about digitizing existing processes.”
“It is about creating a fully automated and interconnected trade ecosystem where stakeholders can transact more efficiently, transparently, and with fewer documentary requirements.”
Ayon pa kay Nepomuceno, ang CPS ang magsisilbing pangunahing platform para sa submission, processing and clearance of customs declarations, manifests and other trade documents.”
***
(Para sa inyong komento at pagbati, mag-text sa #09178624484)

