Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Vic Reyes

BOC pinaigting kampanya vs smuggling ng vape products

Vic Reyes Mar 25, 2026
134 Views

MAGANDANG araw sa lahat ng ating mga suki, lalo na sa mga kababayan natin diyan sa Japan at Middle East.

Nawa’y nasa mabuti at ligtas na kalagayan ang ating mga kabayan diyan sa Gitnang Silangan.

Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki, Patricia Coronel, Aimi Houchii, Roana San Jose, La Dy Pinky, Chato Coronel, Endo Yumi, Yoshiko Katsumata, Hiroki Hayashi, Winger dela Cruz, at si Hiroshi Katsumata.

Ganun din kay Joanne de Guzman at iba pang OFW natin sa Oman at Jess Manuel ng Saudi Arabia. Mag-iingat kayo diyan at hangad namin ang inyong kaligtasan.

(Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa numero: +63 9178624484)

***

Malaking problema sa bansa ang pagdami ng mga gumagamit ng electronic cigarettes (vape), lalo na ang mga kabataan.

Sabi nga ng mga gumagamit ng vape ay “mas mabuti na ito kaysa manigarilyo dahil “smoking is bad to your health.”

Mismo kasi ang gobyerno ang nagpalagay sa warning na ito sa mga kaha ng sigarilyong dahil sa pagdami ng nagkakasakit ng lung cancer.

Pero ang problema ngayon sa bansa ay maraming nakalulusot na “unregistered” vape products.

Hindi ito dumaan sa masusing pag-aaral kaya puwedeng maging health risks sa taumbayan.

Kaya pinaigting ng Bureau of Customs (BOC) ang nationwide campaign laban sa ismagling ng vape products.

Ito ay bilang pagtupad nina Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pigilan ang pagpasok ng illicit products sa bansa.

Ang gusto ni Pangulong Marcos ay mapangalagaan ang “health and safety” ng mga Pilipino, lalo na ang mga gumagamit ng vape.

Noong Marso 21 ay nagsagawa ng operasyon ang mga operatiba ng BOC-Manila International Container Port (MICP) sa isang warehouse sa Navotas City.

Ang operasyon ay nagresulta sa pagkakakumpiska ng 3,174 kahon ng hindi rehistradong electronic cigarettes at produktong vape.

Ang mga nakumpiskang produkto ay nagkakahalaga ng mahigit P1 bilyon.

Ang nagsagawa ng operasyon ay mga tauhan ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Enforcement and Security Service (ESS), Formal Entry Division, and the Legal Service-Revenue Collection Monitoring Group.

Pagkatapos na makatanggap ng intelligence report na may mga nakaimbak na unregistered vape products sa bodega ay nagsagawa ang BOC ng surveillance.

At dito na nag-isyu ng Letter of Authority (LOA) at Mission Order ang ahensya.

Ang grupo ay tinulungan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa pag-implement ng LOA. Nagkaroon ng koordinasyon sa lokal na police at barangay officials.

Ayon sa initial findings, ang mga produkto ay hindi rehistrado at walang Philippine Standard License or Import Commodity Import Clearance, na isang paglabagsa Republic Act (RA) No. 11900.

RA 11900 ay ang “Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act.”

Ang mga warehouse representatives ay inutusang mag-sumite ng mga valid documents sa loob ng 15 days ”to prove regulatory compliance.”

Tama lang ang mga ginagawang anti-smuggling operations ng BOC, sa tulong ng mga partner-government agencies.

***

Dapat matapos na ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Nagiging malaking balakid ito sa pag-unlad ng bansa na nahaharap ngayon sa mabigat na problema dulot ng kaguluhan sa Middle East.

Ang problema, baka iakyat na naman ito ng kampo ni VP Duterte sa Korte Suprema.

Pabayaan na lang sana na umusad ang kaso sa House of Representatives at Senado dahil ito naman ang nasa 1987 Constitution.

Sa Saligang Batas, ang mga kongresista at senador ang may karapatang magtanggal sa impeachable officials na kinabinilanga ng Presidente, Bise Presidente, justices ng Korte Suprema at commissioners ng mga constitutional bodies na kagaya ng Civil Service Commission.

Sa tingin ng marami ay mas mabuting pabayaan na lang ang Senado na mag-conduct ng trial at humusga kung may kasalanan o wala si Duterte.

Hayaang ilabas ng mga nag-aakusa sa Bise Presidente ang kanilang mga ebidensiya, pati na ang mga sinasabing bank accounts ni Duterte.

Marami namang magagaling na abogado si Vice President Sara.