MWP SOURCE: Larawan mula sa FB/PNP

Most wanted dahil sa gahasa ng menor de edad nasakote

27 Views

ARESTADO ang isang lalaking kabilang sa listahan ng Most Wanted sa Negros Occidental matapos madakip sa isinagawang operasyon ng pulisya sa Barangay I-Poblacion, EB Magalona nitong hapon ng Mayo 4.

Kinilala ang suspek bilang ikaapat na Most Wanted Person sa rehiyon ng Negros Island Region, na nahaharap sa limang bilang ng Qualified Rape of a Minor at walang inirekomendang piyansa.

Batay sa ulat, naaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest at agad dinala sa kustodiya ng EB Magalona Municipal Police Station para sa kaukulang proseso at pagsasampa ng mga kaso.

Ayon sa pulisya, bahagi ng kanilang patuloy na operasyon ang pagtugis sa mga wanted person, lalo na sa mga sangkot sa mabibigat na krimen laban sa kabataan.

Pahayag ni PNP Chief PGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr., “We remain firm in our duty to ensure that individuals accused of serious crimes are held accountable under the law.” Dagdag pa niya, “Patuloy naming gagawin ang aming tungkulin para matiyak na ang mga ganitong kaso ay mabibigyang hustisya.”

Patuloy naman ang panawagan ng mga awtoridad sa iba pang nagtatagong akusado na sumuko at harapin ang batas.