Vic Reyes

Tagumpay ng BOC, tagumpay ng bansa — Nepomuceno

Vic Reyes Jun 17, 2026
52 Views

ISANG mapagpalang araw sa lahat ng ating suki, lalo na sa ibang bansa.

Binabati natin ang mga kababayan natin sa Japan na sina Ma. Theresa Yasuki, Patricia Coronel, Winger dela Cruz, La Dy Pinky, Endo Yumi, Tata Yap Yamazaki, Yoshiko Katsumata, Hiroki Hayashi, Roana San Jose at Hiroshi Katsumata.

Binabati rin natin sina Joann de Guzman at iba pang OFW natin sa Oman.

Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan at kalusugan.

****

Patuloy ang mga tauhan ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) sa mga ginagawa nilang inspeksyon sa mga abandonadong parcel sa mga warehouse sa Pasay City.

Tama lang, dahil madalas ay may mga nakikitang kontrabando sa mga abandonadong parcel.

At kadalasan may mga illegal na drogang laman ang mga parcel.

Kamakailan lang ay may 14 abandoned at seized parcels na may lamang illegal drugs ang isinalin ng BOC-NAIA sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ang PDEA ang law enforcement arm ng Dangerous Drugs Board (DDB).

Ang parcels, galing ng iba’t ibang bansa sa Asia, Europe at United States, ay naglalaman ng mga ipinagbabawal na gamot.

Nang idaan sa X-ray screening ang mga parcel ay nakitaan ito ng suspicious images. Idinaan rin ang mga pakete sa K9 inspection.

Nang buksan, tumambad sa mga inspektor ang shabu (7,005 grams), high-grade marijuana (5,922 grams, 100 pieces of vape cartridges with liquid marijuana, at opium poppy (8,177 grams).

Ang mga kontrabando ay nakatago sa magkakaibang produkto na kagaya ng water filters, speakers at mga pagkain.

Ang mga ito’y tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P56 milyon.

Dahil dito ay binalaan muli ni Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno ang mga tao at grupong“ attempting to exploit international parcel and courier services for smuggling drugs and other contraband.”

“Sa mga nagtatangkang gamitin ang parcel at air cargo shipments para magpuslit ng illegal na droga at iba pang kontrabando, malinaw ang aming mensahe: Hindi kami magpapatinag,” babala ni Commissioner Nepomuceno.

Ginawa ng BOC-NAIA ang operasyon sa tulong ng Customs Anti-Illegal Task Force (CAIDTF) at PDEA.

Na-turn over na ang mga ipinagbabawal na gamot sa PDEA para sa laboratory examination at further investigation.

Sinabi ni BOC-NAIA Collector Yasmin Mapa na hindi nila papayagan na gamitin ng mga ismagler ang international mail and air cargo channel sa kanilang operasyon.

***

Muling pinangunahan ni Commissioner Ariel F. Nepomuceno ang June 2026 Collectors’ Conference.

Sa kanyang direktiba, inutusan ni Nerpomuceno ang mga district collector “to strictly monitor and ensure the efficient utilization of port facilities.

Ayon kay Commissioner Nepomuceno, dapat tingnan ang “importations that remain unpaid, unclaimed or unreleased despite the completion of necessary customs processes.”

Ang direktiba ay naglalayong maiwasan ang congestion sa mga pantalaan.

Binanggit din ni Commissioner Nepomuceno ang tinatawag niyang “strong revenue performance” ng ahensya.

Hinikayat ni Nepomuceno ang mga opisyal at tauhan ng BOC “to sustain the current momentum.”

“Your success is my success, and the success of the Bureau of Customs is, ultimately, the success of our nation.”

Pinarangalan din ni Commissioner Nepomuceno ang mga district offices na naabot ang kanilang mga revenue targets noong Mayo.

***

Dapat matapos na ang gusot sa Senado dahil malapit na ang simula ng impeachment trial ni Bise Presidente Sara Duterte.

Kailangang maipasa na rin ang mga nakabinbing priority measures ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Hindi puwedeng maantala ang pagpasa sa mga measures na ito dahil

dalawang taon na lang ang natitira sa anim na taong presidency ng Pangulo.

Sana matigil na ang bangayan sa Senado para makapagtrabaho na ng maayos ang mga senador.

(Para sa inyong komento at pagnati, mag-text sa 09178624484)